Natatandaan ko pa ang bagsak ng loob ko noong mga unang araw ko sa Scientia: sabi nila may 'stipend' daw, iyon pala ni isang kusing wala, tapos lahat pa ng libro bili ng magulang, pati na ang uniporme... Akala ko ba'y katulad ito ng Philippine Science High School?
Di rin nagtagal at natanto ko na out of place ako rito: lahat sila mas mabilis umintindi ng mga mathematical at scientific formulas and equations kaysa akin, pataasan ng grado sa mga eksamen sa science and math, at napaka-gagaling umisip ng mga proyekto para sa science fair. Wala pala akong karapatang mag-reklamo dahil sadyang karangalan na lamang ang pumasa at manatili sa listahan ng mga istudyante taon-taon. Mahirap man, ay masaya naming hinarap ang mga hamon: sa history classes ni Mrs. Justiniani o Mr. Telan, sa English classes ni Mrs. Aguilar, sa Pilipino class ni Mrs. Agarap o kahit sa mga hamong pisikal tulad ng CAT competitions sa pamamahala ni Mr. Madriaga at kung ano-ano pang mga kompetisyon ang aming pinasok, lahat ito nakatulong sa pagbuo ng katatagan ng pagkatao na dala nating lahat sa ngayon.
25 years na pala ang nakaraan. Hindi naging biro ang paghahanap sa marami sa loob ng tatlong taon, dahil sa dami ng nanatili sa Pilipinas, ganoon din ang bilang ng mga nag-abroad. At sa karamihan rin ng mga nagtahak ng landas ng agham at teknolohiya sa kanilang mga propesyon, marami rin sa atin pumili ng kakaibang bokasyon, at nais nating isipin, lahat for the service of others.
Marami rin ang mga naging doktor sa ating batch: Si Neill "Pako" Mosqueda, Regional Director sa Davita sa Los Angeles, nariyan din si Renato "Tonjet" Herradura na isang pulmonary expert at si Rita Aurelio-Catly na isang OB-GYN at kasalukuyang nagtuturo sa UERM. Nasa North Carolina naman si Alfred Bunao. Si Efren "Aso" Aganon ay pediatrician (at hindi veterinarian) sa Georgetown, Ohio. Isa ring pedia si Raul "Laling" Ocampo at meron siyang sariling clinic sa Malabon/Navotas area (hindi sa Mandaluyong). Si Sylvia Sandoval-Abanto ay isang surgeon dito sa Pilipinas bago nag-asawa at magtungo sa Amerika. Siya ngayo'y isang full time wife and mother at sila'y nasa Milpitas, CA. Si Manuel Aquino naman ay assigned sa rural service sa Visayas. Si Helen Bautista-Ahmad, nag-doktor din ng matagal sa Iran (katrabaho ang kanyang asawang si Malik na doktor din) bago lumipat dito sa Toronto noong 1999. Kasalukuyang kumukuha sila ng mg additional courses upang makakuha ng medical license dito sa Canada. Nariyan rin si Marilou Nario-Guiang na nasa Nueva Ecija. Si Jocelyn Agato-Roan ay doktor sa PhilHealth at isang anesthesiologist, si Grace Abad-Viola ay naglingkod sa DOH nang matagal bago lumipat sa isang NGO at si Victorino "Cowboy" Corpuz, isang surgeon at konektado sa mga ospital sa Muntinlupa at Laguna.
Mayroon din naman tayong mga doktor ng ibang sining, mga kagalang-galang na doctor of philosophy: Naging miyembro ng faculty ng Ateneo si Agnes Brazal. Si Mari-Ann Mangaser-Acedera na kinukumpleto ang kanyang doctoral thesis, at si Athena Gorospe daw na nag-aaral ng theology sa Fuller University sa Amerika.
Kung maraming doktor, marami ring mga engineers ang batch. Ang ating valedictorian na si Melchor "Manok" Carandang ay isang Civil Engineer, huling balita, siya'y nasa Indonesia and doing well. Si Enrico Pagulayan ay Project Manager sa Robinson's Land Corp. High-Rise Buildings Div. Si Jonathan "Bangkay" Reyes, isa ring engineer at ngayo'y professor sa Central Colleges of the Philippines, si Mike "Nognog" Marqueda, Chemical Engineer nguni't matagal na naging seaman at sa food service division ng isang luxury ship naka-assign. Isa ring engineer si Ramoncito "Bobby" Balayan na ngayo'y naninirahan sa Las Pinas kasama ang pamilya. Si Joey Peņa kasalukuyan ay isang computer lab technician sa Toronto, matapos magtrabaho ng matagal as geologist/engineer sa Placer Dome sa Pilipinas. Tinatapos ni Joey ang kanyang diploma sa computer science at nais niyang pasukin ang IT function ng mining industry ditto, dahil pagod na yata sa field exploration.
Water-finding expeditions naman ang expertise ni Pastor Ezra Elmo Martinez, isang geologist. Nakokontrata siya ng mga mission agencies at ilang NGO's, pero ngayon ay lull time siya: House-husband, ika niya, but proudly raising three girls to become responsible adults. Kung si Agnes Brazal ang ating tinaguriang class historian, si Pastor Elmo sa ngayon ang Spirit ng ating batch, ang pre-eminent Mover and Shaker na nagbigay- buhay, inspirasyon at direksyon sa ating naging mahabang lakbay at daan mula noong 1999 nang magsimula siyang puspusang maghanap ng mga batchmates sa internet. Basahin ang mga pagmumuni-muni ni Pastor Ezra sa e-mail messages from two years ago, na-print namin ng bahagya dito sa program. (Dahil may kahabaan, basahin ang kumpletong text sa website.) Isa pang geologist sa batch ay si Ramoncito Gozar, mahirap hagilapin dahil nasa field ang trabaho.
Patuloy pa ring umaakit ng mga pasahero si Daisy Encarnacion-Castellano sa PAL. Minsan nga, naging courier pa ng mga kontribusyon ng mga taga-rito sa North America. Si Bernadette Gapusan sa PAL din daw nagtatrabaho, pati na rin si Victoria Tapang-Nacario bago siya maging full-time homemaker at nag-aaruga ng kanyang napaka-poging (balita ko!) asawa na si Danilo at mga anak. Si Rita Ramos-de Luna, ay nagtrabaho isang bangko bago maging full-time wife and mother at nakatira na ngayon sa Mandaluyong.
Karamihan sa mga nag-pursigi sa computer/information technology field ay nasa States: Si Romulo "Mulong" de Jesus, nasa AT&T sa New Jersey, Si Francisco "Ken" Saligumba naman at nasa LA, senior programmer sa Blue Cross of California. Si Debbie Cruz-Wade, architectural specialist (Info. tech area) sa Carmel, Indiana. Si Ariel Leonardo ay isang ring IT professional based in Houston, Texas. Si Imelda Evangelista na isang CPA ay nagdesisyong lumipat na rin sa IT field nguni't nanatili siya sa Pilipinas.
Malaki ang utang na loob nating lahat kina Mulong at Ken dahil sa pagbuhos ng marami nilang personal time sa paglikha ng ating batch website. Palibhasa, hindi rin natin makayanan ang kanilang professional fees (in US$$$), kaya TY na lang sa kanilang dalawa. Alam niyo naman na hindi pa tapos ang lahat at siguro'y this is only the beginning.
Si Mayrose Pacis-Kragas, based ang pamilya sa Singapore mula pa nuong 1999 matapos manirahan ng matagal sa States, senior executive sa Visa International . Natatandaan niyo ba si Minerva Bigornia-McFarland? Kahit 'di natin siya nakasamang magtapos (lumipat siya sa States noong second year), ay honorary member ng batch natin. Nasa technical staff siya for Computer Sciences Corps (primarily involved in database design management and software engineering for logistics applications) na naka-station sa Edwards Air Force Base. Naging scholar si Minerva sa University of Southern California School of Engineering matapos maging valedictorian sa Belmont High School sa LA.
Naging accountants naman sina Bernard Aligo na nasa LA din at in-charge sa accounts ng ilang malalaking healthcare service providers. Si Belen Furigay, isa sa mga nagkamit ng honors sa batch ay isang CPA at ngayo'y nasa Maryland, may dalawang full time jobs bilang isang auditor. Si Ophelia-Caday-Shoester na nasa Virginia at si Carmencita Calpo na nasa NHA. Si Ruben "Bungo" Cuevas ay isang CPA at sa ngayo'y nagrereview para sa susunod na BAR exams. Isa ring abogado si Gabriel Soriano at ngayo'y isang doting father rin sa kanyang bagong panganak na baby.
Ilan din sa atin ang tumugon sa "Tawag ng Diyos": Sister na ang tawag natin kay Anna Marie Fondevilla. Si Linabella Cruz-Finnegan ay very active sa mission work kasama ng kanyang asawa. Maraming mga lugar din na-base ang kanilang pamilya dahil sa kanilang missionary work. Huling balita namin, si Jose Aristedes David daw ay isa ring missionary sa Visayas.
Mataas rin ang narating ng ilan sa military service: nariyan si Col. Marcelo Garbo na sa balita naming ay isa sa mga unang umaklas laban kay Erap noong EDSA II, si Capt. Ferdinand Vero ng PNP, si Melandro Singson daw ay nasa police services pero sa ngayon ay nag-aaral daw sa Amerika. Si Dindo Daranciang naman, nasa police forces sa Seattle, Washington. Nabisita ko siya roon noong 1995.
Sa mga nagtayo ng sariling negosyo: si Kennedy Salcedo daw ay isang draperies magnate, si Amando John Jimenez ay isang Advertising Executive na merong sariling advertising company sa Makati. Si Atty. Willy Martinez, naging Clerk of Court at muntik nang maging isang Judge kung hindi niya tinanggihan ang nomination noong 1992, ay isang successful na entrepreneur bukod sa pagiging siyang Legal Consultant ng mga malalaking bangko. Si Felix Pascua, isang geologist, taga Project 6 noon at ngayon, ay nagkokonsultant sa mga multi-national katulad ng WB, ADB at JBIC sa mga problema ng environmental assessment, management and protection. Konsultant din ang kanyang asawa na nagtapos bilang biologist. Si Enrico Pia nasa Project 6 pa rin, pero sabi ni Emel at Kinjo, hindi raw makaka-attend ng homecoming. Si Theodore Prestosa hindi na rin umalis sa Project 6. Isa ring Civil Engineer, at balita namin nasa PBA daw, pero siguradong hindi basketball player. Si Marvi Rebueno-Trudeau, wala na sa Project 6 dahil sa Puerto Princesa, Palawan na namamalagi kasama ang kanyang asawang Canadian na si Hugh at isang anak na si Nini. Manager siya sa Pilipinas Shell Foundation. Karamihan sa responsibilidad niya ay ang mga proyektong makakapagpabuti sa kabuhayan ng mga tao sa maraming barangay "grassroots" ika nga katulad ng Ligtas Malaria, Rural Electrification, Hospital Charity Project, etc.
Balik tayo sa mga may negosyo: Si Quintin "Kinjo" Estioko, ang ating batikang artist mula't sapul pa, ay may-ari ng isang animation studio toonmanila sa Mother Ignacia St. Karamihan ng proyekto niya ay mula sa Europe at Australia. Sa ngayon, tinatapos ng kanyang studio ang isang TV series from Germany. Ang design sa homecoming t-shirt natin gawa ni Kinjo (sino pa nga ba?). Si Andre "Jabbar" Lapuz ay nag-retire nang maaga from the pressure-laden corporate world at part-owner na ngayon ng isang PR firm at consultant for PAGCOR. Maniwala ba kayong busy rin siya sa kanyang hobby: breeding full-bred dogs? Paging Efren and Imelda!!!
May sariling catering service naman si Lilia Jumaquio-Gaurano at tila yatang siya ang mag-ca-cater ng ating homecoming affair at resonable ang kanyang mga presyo (siempre kasama na rin doon ang katakut-takot na pakiusap...)
Ilan ang mga nasa corporate world: Si Roland Ubando, Head of Agency Training sa Manulife Philippines matapos magtrabaho ng matagal sa Philamlife. Nagturo rin siya ng sampung taon sa Philippine Science at isang taon doon, naging Fullbright Exchange Teacher siya sa Los Angeles. Si Florante "Bebs" Solomon ay nagtrabaho naman sa Citibank sa loob ng 9 na taon, bago ito lumipat sa ING Barrings. Ngayon isa siyang financial consultant ng China Bank. Si Jaime "Balot" Rebultan ay isang executive sa Landbank. Si Emily Ramos-Duque naman ay siyang Executive Housekeeper sa Herald Suites kung saan din idinaos ang ating batch reunion noong 1999. Based siya sa Makati.
Mr. CFO ng Ortigas and Company si Manny "Bato" Rapadas as property developer and manager. Actually, halos CFO rin si Manny ng ating homecoming preparations dahil bukas-palad niyang ipinagkaloob ang kanyang bahay sa Marikina para sa ating mga meetings . Ang maybahay niyang si Mina ay tanging "hostess with the mostest".Ilan weekends din naabala sina Manny at Mina sa mga pa-merienda, pa-lunch at pa-dinner diyan...
At ngayon naman, kaming mga naging guro: Si Purificacion (Resie) Palines-Singueo, 19 years pa lang ay nag-asawa na. Nakatira ngayon sa San Mateo, Rizal at isang classroom teacher doon (English 1 at preparatory). Nagma-master's din siya at very active sa parish nila as lector/commentator. Pati ang limang anak niya (ages 10-21), active din sa simbahan. Si Resie yata ang panalo sa ating lahat sa "production". Nga pala, lola na rin daw siya dahil ang kanyang 19-year-old na babae, just became a mother herself.
Si Fritzi Pascual-Pineda ay nagtuturo rin ng high school sa may bandang Central CA daw at si Carmelita Gomez naman ay nagtuturo rin ng part-time sa Perpetual Help College sa Las Pinas. Tatlo ang anak ni Milet. Ako naman, 12 years na ako dito sa Toronto, Canada, nagtuturo ng ESL (English as a Second Language) sa mga bagong salta (new immigrants). Wala pa akong anak pero naghihintay kami ng asawa kong si Larry Figura na mag-adopt mula sa Pilipinas. Si Marilou Fuerte-Cariņo ay nagtuturo rin part time ng Management at Economics sa isang kolehiyo sa QC. Isa rin siyang financial consultant maliban sa pagiging ina sa kanilang apat na anak ni Engr. Alan F. Cariņo. Sabi ni Mulong, nagturo rin daw siya ng apat na taon sa University of Santo Tomas bago magpalit ng linya sa computers.
Nag-reunion na kami dito sa Toronto nina Helen Bautista at Joey Peņa kasama ang aming mga pamilya nong Hunyo, dahil paalis si Joey patungong Calgary at kukuha doon ng kurso buong summer (dito sa amin, Hulyo at Agosto). Maliit pa ang grupo namin dito sa Canada, pero ang balita namin si Cynthia Pablo at Francisco Pico raw narito din, pero hindi ko pa nahahanap (sorry Pastor Elmo, hinihintay ko pa rin mula sa yo kung saang province napadpad si Francisco Pico --- sampu yata ang mga probinsiya dito).
Mas marami sila sa States. Nabanggit ko na ang karamihan. Si Cynthia "Chinky" Estrada-Valdeavilla, sampung taon na rin sa LA. Lead Underwriter siya ng isang mortgage company doon. Si Marissa Mendoza-Regidor ay nasa New York at masayang nag-aalaga ng kanyang sanggol na sampung buwan pa lamang. Si Noel Meneses naman daw ay nasa Hercules, California. Si Susan Ramos-Villarta, ang huling balita namin ay nasa New Jersey. At si Florabel Nace-Leviste naman ay lumipat sa California noong 1983 pa. Tatlo na ang anak niya at manager of operations siya ng isang financing company doon.
Noon aming huling bilang, 24 sa ating batch ang miembro ng North American chapter ng Scientia'77, karamihan, nasa West Coast. Madalas rin silang mag-chat sa site na na-secure para sa atin ni Ken Saligumba (www.pma82.com --- Huwag nang magtanong tungkol sa pangalan at bumisita na lang...). Sa mga okasyon na iyon ay napag-uusapan ang reunion na binabalak sa Las Vegas, kasabay ng selebrasyon sa Maynila sa ika-7 ng Setyembre (singit na rin ang casino roon). Marami rin ang mag-aatend at nakapagpareserba na sila ng ilang mga kuwarto sa Ballys Hotel sa main strip (abangan sa website ang mga kabulastugang nangyari dito!). Minsan, nagkakaroon din sila ng mga munting salu-salo lalo na't kung may napapadalaw (katulad ni Daisy).
Marami pa kaming nabalitaan na nasa States nguni't kailangang pang tiyakin: Si Eleanor Barnum. Si Kriselda Galapon. Huli kaming nagkita ni Kriselda ay estudyante pa kaming pareho sa graduate school sa Fordham sa New York noong 1998.
Ang mga nasa Australia ay sina Roy Manglicmot na nagtratrabaho sa Commonwealth Bank of Australia sa Sydney at si George Silvino, pero 'di natin alam ang kanyang trabaho.
Nasa Middle East naman si Edwin "Bagin" Camiling, dati nakikibalita sa e-mail ring at nasa United Arab Emirates pa rin daw pero nawala na rin ang contact. Ganoon rin si Romeo Macas na ngayon ay isang Chief Mechanic sa Abu Dhabi.
Si Lilybeth Deapera, nasa Foreign Service Corps at based sa London, England. Halos "unanimous" ang naging desisyon ng batch sa paghirang kay Lilibeth as "Most Outstanding Alumnus" ng batch. Marami ang nakakaalam na matindi ang mga karanasan na dinanas sa buhay ni Lilybeth at ang kanyang pamilya kaya ganoon na lamang ating paghanga at respeto sa kanyang well-deserved success.
Si Desiderio "Desz" Fuerte, ang ating Corps Commander, isang Mining Engineer ngunit noong 1990 ay simulang nagtrabaho sa gobyerno para makapiling ang pamilya. Executive Assistant siya sa Sekretarya ng Dept. of Energy. Press Relations ang isa sa kanyang primary responsibilities. Desz Fuerte? Press Relations? Iba na yata ito sa kiming tao na kilala ko sa high school. Pero alam ko na lahat kayo ay sasang-ayon sa aking sasabihin na ang real success story ni Desz ay ang kanyang "real-life" partnership with Robertina "Bobbie" Mortel.... (umpisahan ang background music "Evergreen".. haaaah...hooooh...) Sino ba sa atin ang nagduda na ang much-envied teenage high school romance nila ay pangmatagalan? Married since 1986, apat na anak and still going strong. Si Bobbie ay Executive Assistant din sa Office of the Chairman ng Araneta Group of Companies (HR and admin. and reponsibilidad niya. Active din silang mag-asawa sa Couples for Christ mula noong 1990. Dahil isa sina Desz and Bobbie sa mga tunay na success stories ng ating batch, basahin ang sulat nila na kasama sa souvenir program.
Tulad ni Desz, sila Marlon Bernardino, Jeanette Orillosa-Venturanza, Luz Albao ay mga kawani ng ating gobyerno. Si Marlon ay sa Assessor's Office ng Quezon City, si Jeanette ay sa Bureau of Internal Revenue at si Luz ay National Food Authority, si Shiela Montaņa ay sa Phil. Ports Authority. Si Roehl Samia din yata ay konektado rin sa gobyerno. Sa kung saan-saang mga sources napag-alaman naming si Jose Llorca ay nasa Mindanao daw, at si Edgar Templonuevo isa ring Industrial Engineer ay kasalukuyang nagma-master's at naroon sa Bulacan. Si Marietta Clavo ay isang nurse at naninirahan sa Wales may siyam na taon na. Isa sa mga single ng batch, "by choice." Baka puwede nating i-paris kay Roland Ubando na isa ring single "by choice".
Kung ano't ano pang mga paraan ang ginawa ng organizing committee sa paghahanap ng mga ka-batchmates natin mula pa noong 1999: internet, pakiusap sa may mga kakilala, ilan pa nga sa kanila (special mention pala si Emel Ramos, Kinjo, Vic, Resie, Milet) ay nagdoor-to-door at sinadya ang last known address ng marami. At puspusan man ang efforts, may mga natagpuan din, at may mga nagsiwala na ng contact. Wala kaming balita sa mga sumusunod: Orlando "Ado" Cruz, Noel Dacuycuy, Rafael Martin, Maximo Callangan, Makar Josef Delacruz, Jose Luis Llorando, Edwin Fabregar, at sa mga babae naman sina Dolores Brinez, Marita Fabros, Imelda Pastor, Elinor Roman, Maria Carmela "Maricar" Borja, Catherine Delmendo, Fenina Eustaquio, Marissa Abad, Maximina Calisterio, Cynthia Nograles, Marlene Sumabat, Bernadette Cabrido, Ruth Fregon, at ating magandang model platoon leader na si Ofelia Marquez.
Ako ang unang magsasabi na hindi kumpleto ang listahan at dokumento ito. Siguradong may ilang mga nakaligtaan at marami rin sigurong inaccuracies. Ang mga ito'y hindi ko sinasadya. The only way I can think of giving justice to our batch is to try to include everyone in some way, 25 years later Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko sa loob ng impormasyon na ipinagkaubaya niyo sa akin voluntarily at sa malaking tulong nina Bobbie, Chinky, Minerva at Mayrose.
Mangyari pa, sadya naming hindi inilagay ang maraming impormasyon tungkol sa batchmates natin (yoong mas personal ba) dito sa souvenir program upang mahikayat ang mga iba na mag-rehistro sa ating official website ( Scientia'77 Alumni Association) at doon ay makibalita (naroon ang maraming articles na sinulat ng ating mga batchmates tungkol sa kani-kanilang buhay-buhay ) at iwasto na rin kung ano mang inaccuracies ang nakita niyo dito sa aking isinulat.(palusot!)
Ang website ay nananatiling work in progress at ito ang magiging primary source ng impormasyon, long after the homecoming festivities have ended. Kailangang magtulungan tayong mahanap ang lahat dahil mayroon tayong commitment ng sampung taon sa ating tinakdang batch project. Ilang mga magagandang ideya rin ang mga mga inilahad ukol sa batch project: mga bagong computers para sa laboratory, ayusin ang library o clinic, etc. Nguni't napagkasunduan ng marami na mas akmang magbigay ng cash prize sa top winner/s ng yearly science fair. Mula pa noong umpisa, popularidad lamang at mataas na marka sa semestre ang nakakamtan ng mga nagsisiwagi sa science fairs sa school level. Naisip naming mas incentive-building ang proyektong ito para sa mga estudyante at mabibigyan ang ating science fair ng status that it always deserved. Napagkasunduan din na depende sa availability ng pondo sa ating batch project fund, maaari din naman tayong magpundar pa sa mga ibang proyekto.
Inumpisahan ang pag-kokolekta ng kontribusyon sa mga miembro ng batch noong isang taon, at kasabay na rin nito ang mga kampanya sa mga pledges (donasyon) mula sa mga organisasyon o indibidual para sa homecoming mismo sa 7 Setyembre. Naging maganda ang takbo ng pagkolekta sa batchmates (lalo na mula sa North America) pero sa mga pledges, medyo may halong nerbiyos na si Bobbie lalo na ngayong papalapit na ang homecoming. Pero sigurado daw siyang magsisipaglitaw ang karamihan sa mga nalalabing linggo bago sumapit ang okasyon (sa scientia din yata natin natutunan ang ugaling "cramming").
Kakaiba ang naging dedikasyon ng ating organizing committee: Hindi ko alam kung saan nila hinagilap ang panahon at tiyaga upang maisakatuparan lang ang homecoming na ito. Ni wala man lang nagbantang mag-resign (puros banta lang) sa kahirapan ng paghahanap at paghihikayat sa marami o sa pagdalo sa mga miting, bagyo man o baha. Salamat sa inyong lahat--- kung wala kayo, marami ang hindi naging posible.
Ano mang mga naging tagumpay ng marami sa kanilang mga napiling buhay o propesyon at sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, naroon din ang pagnanasa na makapaghandog sa ating alma mater ng tulong na mapapakinabangan ng maraming taga-scientia ngayon at sa maraming taon pa. Natutuwa din naman ako na kahit sa nagdaang panahon, marami pa rin ang hindi nagbabago sa ating lahat: nariyan pa rin ang walang humpay na tuksuhan, nariyan pa rin ang pag-aalala sa isa't-isa, nariyan pa rin ang mga paalala ng pananalig at pasasalamat sa Diyos.
At natitiyak din namin na sa lalong madali't panahon, dahil sa dedikasyon ng marami sa atin, matatagpuan din ang mga batchmates na, siguro'y nariyan lang, at naghihintay ring makibalita. 127 tayo sa ating graduating class. 25 years later, 67 ang may contact sa isa't-isa (nasa abroad o sa Pilipinas pa rin) dahil sa ating e-mail ring, ang labi doon (mahigit-kumulang sa 35 tao), may balita tayo kahit paano. Mga 20 na lang ang hindi pa nakikita. Hindi na masama, di ba? Mabuhay tayong lahat!
LOURDES SADIUA-FIGURA